Where boredom is an art.
Monday, January 10, 2011
Simplicity by Bo Sanchez
Sunday, January 2, 2011
Piniritong Leeg ng Manok
Saturday, December 25, 2010
Baboy, Pera, Lourd de Veyra
'Di ko alam kung saan nagmula.
Basta ang alam ko hindi siya tanga.
'Di kaya ay wala lang s’yang pera?
Pero parang imposible naman ata.
'Di s’ya basta-basta nagsasabi ng wala.
Alam kong may ugat ang mga salita.
Minsan tuloy ako’y nagtataka:
Baboy ka nga ba kung maraming kang pera?
Hindi ko alam. Ah, basta
'Di mo kailangan ng maraming pera!
Wednesday, December 22, 2010
Doesn't Matter
The chimes clang
At absented ears
No one to hear
The sound to reveal
Still did its reason – to ring
So as words written
And read by nil
Doesn’t matter
Whom sees, whom feels
For purpose was achieved
Adoration’s Call
Perceptions are unlike
Acuity differs
Two are different
Like chalk and cheese
Still they allure
Drawing closer, nearer
Though poles apart
They met in concert
For disparity does not matter
As both are keen
Ardently pursuing
Adoration to the other
Tuesday, December 21, 2010
Saya, nasa pera ka ba?
Kailangan nga ba natin ng maraming pera? Dapat ba meron tayong dalang ‘extra money’ kapag lalabas ng bahay? Pera ba ang nagdidikta ng saya natin sa isang araw? 'Di ko alam. Pero ngayon, wala akong pera.
Ngayon balak ko nanamang lumabas ng bahay. Pumunta kung saan kasama ang isang kaibigan para maglibang. At ang pera sa wallet ko? 50 pesos. Malamang sa oo, wala ring dalang malaking pera ang kaibigan ko. Pero siguradong masaya ‘tong mga gagawin namin – kahit di ko pa alam kung ano man yun. Maya-maya lang ay aalis na rin ako kasi may naisip na kaming trip. Mukang masaya ‘to. At bagay na bagay sa mga walang pera.
Pupunta kami sa McDo para dumalo sa isang orientation(?) ng isang networking group. Oo, networking! Pero hindi kami pupunta dun dahil gusto naming sumali, kundi dahil... may libreng pagkain! Anong mas sasaya pa sa libreng pagkain sa McDo? Nagkataon na niyaya 'yung kaibigan kong sumama doon at sinabihan siyang magsama ng tropa. E ako 'yung tropa niya. E di ayos! Libreng kain, sabay sibat. Ba’t pa kami sasali doon, 'di naman namin gusto ng maraming pera.
Iba ang saya na naiidudulot ng mga bagay na naiisip naming gawin kapag wala kaming pera. Kaya siguro ayaw ko talaga ng masyadong maraming pera. Dapat yung sakto lang! Saktong pamasahe, saktong pang-soda, saktong pang-tinapay pag nagutom. May iba kasi na hindi makalabas ng bahay nang walang at least 200 pesos sa wallet. Kami kahit bente lang 'yan ayos na! Meron kasi kaming batas: Ang pera ng isa, pera ng lahat. Kung baga, kapag magkakasama na kami, wala na akong pera, wala na ring pera ang iba. Lahat ng pera namin, sa ‘ming lahat na. Kung ang dala ko ay 40 at ang dala ng isa ay 200, meron kaming tig-120 non. 'Yun ay kung sakaling kailangan naming gastusin lahat ng 'yun.
Hindi nga talaga ang dami ng pera ang nagdidikta ng saya ng bawat tambay o gala namin. Nakasalalay ang saya dun sa mga naiisip naming gawin. Masasabi ko talaga pare-parehong kaming kakaiba mag-isip. Di ko na alam saan nanggaling na lupalop yung mga ideya namin sa mga bagay-bagay. Kala mo ay kung mag-isip kami ay nakadroga lang, o kaya naman autistic. Pero hindi. (Sana nga hindi kami autistic.) Naalala ko pa nung minsan, kasama ko noon ang isa kong kaibigan, init na init na kami sa panahon. Sa sobrang kainisan sa init ay naisipan naming pumunta ng Tagaytay para lang magpalamig. Inilabas niya ang kanyang pera, at inilabas ko rin ang akin. Nagbilang, nagbilang, nagtanong ng pamasahe sa jeepney driver... PASOK! Kasya ang pera naming para makapuntang Tagaytay.
'Di nagtagal ay sumakay na rin kami ng jeep – dahil nga bad trip na kami sa init ng panahon. Hinintay na mapuno ang jeep ng pasahero, pagkatapos nun ay lumarga na. Habang nasa byahe ay unti-unti na naming nararamdaman ang malamig ng simoy ng hangin sa aming balat. Ibang sarap ang idinulot sa ‘min nito. Nagkakatinginan nalang kami sa mata (malamang) at nagngingitian tuwing mararamdaman namin ang malamig na temperatura ng hangin habang umaakyat ang jeep sa Tagaytay.
Habang lumalamig, lalo kong naiisip na hindi sayang ang binayad namin sa jeep. 'Di ko na matandaan kung magkano yon, basta, sulit 'yon! Nang dahil sa maliit na pera na 'yon, nawala ang aming kabadtripan na dulot ng init ng panahon. Iba talaga kapag walang magawa. Mauuwi ka nalang sa ‘may magagawa’. Kaya gusto ko nang walang ginagawa e, kasi bigla nalang akong may magagawa. Hindi mo sinasadya, pero may maiisip ka ring gawin. 'Di ba ang saya?
Balik sa Tagatay trip... ayon. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa palengke sa Tagaytay. Pag hakbang namin pababa ng jeep ay mas lalo pang lumamig ang simoy na nararamdaman namin. Ang saya. Para kaming mga sanggol na bagong labas lang sa sinapupunan ng ina. Kala mo ay ngayon lang kami napakawalan sa mundong ito. Puno ng ngiti ang aming mga muka sa mga saglit na ito.
Pagkatapos ng ilang minutong pagkawala sa sarili, naalala na naming wala kaming magawa. Kaya may naisip nanaman kaming gawin. Pupunta kami kung saan mang lugar na makikita naming ang Taal Volcano. Ang Taal Volcano ay nasa Batangas, Laguna pero ito ay natatanaw mula sa Tagaytay. Ilang beses ko na itong nakita, ngunit iba kasi ‘tong ngayon. Kaibigan ko ang kasama ko. Kadalasan kasi ay pamilya ang aking kasama.
Napagpasyahan na naming sumakay na ng tricycle papunta sa lugar na maraming kainan. Nasisigurado kong sa mga ganong lugar ay matatanaw namin ang Taal. Sa mga sandaling iyon, di na namin alam kung kasya pa ba ang pera namin para makabalik sa Sta. Rosa (doon kami nakatira). Pero ayos lang. Basta ang importante ay magsaya kami ngayon dahil sayang ang pagkakataon.
Ilang saglit pa ay dumating na rin kami sa lugar na may mga restaurant at may mga bilihan ng kung anu-anong bagay na may nakasulat na “Tagaytay”. Mga souvenir items ito na mabibili doon sa Tagaytay. Naalala ko pa ngang bumili ako ng keychain na may letter “A.” 'Di ko rin naman 'to itinago para sa 'king sarili at binigay din sa isang taong nagsisimula sa "A" ang pangalan.
Konting lakad, natatanaw na naming ang Taal Volcano. Ang saya sa pakiramdam. Malawak na kalangitan ang natatanaw at solid-sapul sayo ang simoy ng hangin. Parang 'di na namin ninanais na umalis sa lugar na ‘yon dahil nga ang sarap tumambay doon lalong-lalo na sa mainit na panahon. Kakaiba kasi ang lamig sa Tagaytay dahil nga sa nasa mataas na lugar ito.
Nang bumalik na ulit kami sa aming mga sarili, naisipan naming mag-ikot-ikot sa lugar. Tinignan namin ang mga kainan doon. S'yempre, tingin lang. Wala kaming pera e. Masyadong mahal ang presyo ng pagkain sa mga kainan doon, kaya bumalik kami sa mga souvenir shops. Nagtingin-tingin, nagtanong-tanong ng presyo, nang biglang...
*RING RING*
Tinignan ko ang aking telepono at nakita ko na ang nanay ko ang tumatawag. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa hindi naman ako nagpaalam na nasa Tagaytay ako. Ang alam niya ay nasa malapit na lugar lang ako. Pero syempre, sinagot ko ang tawag...
Ako: Hello?
Mami: Hello. Nasaan ka?
A: Ah e (kinakabahan), andito lang. Sa kaklase ko.
M: Ah. Uwi ka na. Aalis tayo.
A: Saan tayo pupunta?
M: Sa Tagaytay.
A: HA?
M: Sa Tagaytay. Tara. Nas'an ka ba? Daanan ka na namin.
A: Hindi, hindi na! Uuwi nalang ako. Pero wait lang. May tatapusin lang ako.
M: Sige.
Dali-dali kong ikwinento sa kaibigan ko ang pag-uusap namin ng nanay ko. Nagtawanan lang kaming dalawa sa pangyayari. Maski ang tindera doon sa souvenir shop na kinatatayuan namin ay humahalakhak sa kwento ko. Akalain mo bang tatawagan ako ng nanay ko para pumunta sa Tagaytay. Ngayon pa? Kung kailan nasa Tagaytay na ako at nag-eenjoy. S'yempre kapag sinabi kong andun na ako ay baka magalit lang 'yon.
Hindi ko alam kung paano agad ako makakarating ng bahay ng mabilisan. Palubog na ang araw ng mga oras na 'yon. Basta niyaya ko nalang ang aking kaibigan na umuwi na dahil nga kailangan ko nang makauwi, NOW NA! Malamang niyan ay magdidinner kami sa Tagaytay kaya ganoong oras sila nagyaya. Sumakay na ulit kami ng tricycle papunta sa palenke at sumakay ng jeep pabalik sa Sta. Rosa. Di ko na alam kung nagbayad ba kami o ano, basta nakauwi kami. Naghiwalay na kami ng daan at umuwi sa kanya-kanyang mga bahay.
Pagdating ko sa bahay ay umalis din agad kami patungong Tagaytay. Tama ako, maghahapunan nga kami doon. Nakatatawa lang, pabalik-balik ako ng Tagaytay. Pumunta doon, tapos umuwi para bumalik doon. Lahat ng dinadaanan namin sa byahe ay pamilyar na sa ‘king mata. Lahat ng kalsada, tindahan, at kung anu-ano pang makikita sa daan.
Pupunta kami ng Tagaytay para kumain, hindi kaya ang pupuntahan namin ay dun ulit sa pinanggalingan ko? Habang bumabyahe ay mas lalong nagiging pamilyar ang daan. Tama nga ang aking hinala, doon din kami napadpad. Doon sa tinambayan namin kani-kanina lang. Doon kung saan kami nagpalamig, kung saan namin natanaw ang Taal, kung saan may mga kainan at souvenir shops.
Pagkababa namin ng kotse, agad kaming pumunta sa isang restaurant. Habang naglalakad papunta don ay nadaanan naming yung souvenir shop na kinalalagyan namin kanina lang. Nagkatinginan kami sa mata (malamang ulit) nung tindera at kami ay natawa. Natandaan niya na ako yung kaninang kumaripas pauwi dahil pupunta ng Tagaytay. Malay ko ba namang doon din kami eksaktong pupunta. Kakaiba talaga ng mga pangyayari ng araw na yon. Ang saya.
Kumain na kami ng hapunan at agad ding umuwi pagkatapos. Tinext ko rin ang kaibigan ko tungkol sa mga nangyari upang ibahagi ang mga kakaibang pangyayari makatapos naming maghiwalay. Nakatutuwa ang araw na ‘to. 'Di ko 'to malilimutan kaya naman hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin.
Umuwi ako ng bahay noon ng masaya. May ngiti sa aking mga labi at kumikinang sa tuwa ang mga mata. Kahit wala kaming masyadong pera ay lubusan kaming sumaya. Nagsimula lang naman ito sa kabadtripan sa init ng panahon at sa kawalan ng ginagawa. Buti nalang ay may sayad ang aming pag-iisip, kaya kakaibang bagay ang nagagawa namin. Ang mga ganitong ligaya ay 'di matutumbasan ng kahit anong bagay na kayang bilhin ng pera.
Tunay nga, wala sa pera ang saya.
(Siya nga pala, 'di na kami pupuntang McDo. Nagtext yung kaibigan ko na dun nalang kami sa kanila kakain. Naalala niyang birthday nga pala ng kuya niya. Baliw.)
Silent But Deadly
No sound to be heard
No cricket at night
No chirp of any bird
Nothing, yet brings me fright
Silence – as he is silent
Comes so barely
Creeping in like current
Bashing my ears sturdily
Silence, as he brings stillness
Silence, as he is void
Shatters his own quietness
Destroys his own peacefulness
Tearing down himself
Breaking his own purpose
Obliterating his own will
Devastating his very reason
Perhaps silence was not empty-handed
He came with his own killer
– His own clamour
Silence killed himself